Karangalan na makasama at masuportahan ang mga kandidato na napupusuan para sa isang pamahalaan na binubuo mo sa iyong isipan at ‘yan ang misyon natin sa pagmamahal sa Diyos, sa kapwa at sa bayan.

UNITEAM | BBM-SARA iboto natin straight at kumpleto para sa tunay na pagbabago.
Matsala mga Repakol sa mga solido ninyo na pagtitiwala sa aking mga pananaw at adhika tulad ng paniniwala n’yo sa mga kanta ko na nilikha. Hindi naman siguro sa inyo kaila ang malugod kong paghanga sa mga taong may magandang plano sa kapwa na may mabuting gawa.
Sa darating na halalan nga tropa, ilagay natin sa senado ang magiging boses ng masa, ‘yung may aksyon hindi drama, ang utol natin na may dalang solusyon hindi problema, ‘wag na kayong mag-alinlangan pa at kakaiba s’ya sa pagkakakilala n’yo sa iba. May malasakit talaga.
Kaya sa mga imposibleng maaayos agad na problema lalo sa usaping pamilya, dalawa na ang masasambit natin na ang una man ay kathang isip pero ito ang pampalakas ng loob na kahit paano ay nagiging dahilan para ngumiti at magsaya na ngayon ay sasamahan na ng mga plataporma para sa ikagi-ginhawa ng bawat pamilya.
Bahala na si Batman…
at si ROBIN PADILLA 👊🏽
Unahin na muna natin bago ang iba;
#49 sa Balota
Para sa Senado. Haymabu! ✊🏽🇵🇭
#SenatorRobinPadilla #49SaBalota #RobinPadillaSaSenado #BadNoyOfPhilippineCinema #RobinPadilla