KUNG MAY ONLINE HOME DELIVERY, NOREM DIN FRONTLINE MAGLALAKO NA DUMADAANG MGA SALESMAN AT SALESLADY

Isa sa hindi nakakasawa para sa akin kahit araw-arawin pa ang binatog, kaya nga suki ako nitong si Rex ‘pag dumaan gamit ang boxing bell mapapabangon ka kahit masarap pa ang tulog.

Kapag kalembang kasi mga bata ang hihila pa sa akin para sa sorbetes, na bawal naman sa akin kahit baragan pa ang aking boses.

Lalo ‘yung parang ring tone na naka-bisikleta tapos susundan ng mga bata at sabay-sabay pa na kakanta…

“Silekta, walang lasa, Pangit pa’ng nagtitinda!”

Hahaha! Kahit bawal judgemental matatawa ka na lang sa mga batang gala, kasi totoo naman talaga may hitsura ang mga tindero sa kabila kaya masasabi mo sa mga pasaway… “May Tama!”

Sabay daan ni manang na maglalako pero mahinahon lang na; “Tinapa, Daing” kaya parang… “Chinup?, Dumaing”

Pero bakit ‘yung magba-Balot magdadala ng mabigat tapos sisigaw? Tapos nagmamadali kaya pagtawag mo nakalampas na. ‘Yan ba talaga trabaho ng mga ‘yan. Hangos eh.

Tapos magsasabay pa ‘yung nagtitinda ng mangga at naghahasa kaya maiilang tuloy ang mga dalaga, para kasi nilang tinuturuan ng mali ang mga kalalakihan na; “Mangga!” “Hasa!” “Mangga!” “Hasa!”. Hahaha! Parang sinasadya.

Haaay! Binatog, Nilupak, Kareoka, Bananaque, Kamoteque, Maruya, Pisbol, Taho, Puto, Kutsinta o anumang kakanin, basta ‘yan ang mga hindi ko palalampasin sa mga dumadaan sa amin.

Kung binata lang ako, dehins ko rin sana palalampasin ‘yung kadaraan lang na kyut na dalaginding. Hehehe! I was only joking.

EH KAYO… ANO ANG HINDI PWEDENG PALAMPASIN KAPAG ANG PAGKAKATAON AY NASA HARAP NA NINYO?! ANO?! 🤔

Advertisements

Leave a Reply